GUYS, HAPPY NEW YEAR.. WISHING EVERYONE ALL THE BEST FOR THIS YEAR 2007. isang taon pa uli na uulan ng alak kaya sana naman wag kayo mahiya na sumali... isang text lang ang kailangan at pasok ka na! walang iwanan mga pare!
Just like a splendid love song - Orange and Lemons
]
Oy mga pare musta na? Tingin ko ako lang yung lagi naga-update dito ah.. syempre ako din kasi yung hindi busy.. heto kaka-resign ko lang sa convergys. Ewan ko ba pero hindi ko pa din kasi nakikita yung trabaho na talagang mamahalin ko e. Kaya heto tamang tambay muna ako uli try apply sa ibang companies na hindi call center.. day job din kasi hanap ko para mabuhay naman ako ng normal. Syempre naranasan ko na yung call center na buhay at masasabi ko na mahirap talaga although yung ginagawa mo naman e napakadali.. Pero pag this year hindi ako nakakita ng iba e balik call center na lang siguro uli.. ewan.. who knows? Ganun talaga My time to shine isn’t now. Sa ngayon yan pa lang naman yung mga nasa isipan ko at wala pang final. Anung malay mo maging government guy din ako gaya ni bogart? Pero as I’ve said wala pang final. Mahirap lang syempre walang pumapasok na income pag ganito pero salamat na din kila bogart at turko, cover nila ako pag minsang lumalabas kami kaya naman kahit papano e naeenjoy ko bakasyon ko.. Sensya na mga tol ha.. Wala din kasi akong magawa ditto kaya nagkkwento na lang ako ng kung anong nangyayari saken. Ha! Pag ako nagkaron ng trabaho na mahal ko at talaga namang kakaririn ko baka ako naman ang hindi na makasulat dito kaya ok na din ‘to. At least wala kayong masasabi. Barkada pa din ang nasa isip ko. Wahehehehe… Kayo kamusta naman? Si Totoy hindi na nakaksama talaga ah.. Masipag sa trabaho tong si kri e.. Mahigit 2 months na ata tong absent sa convention sa rasa e.. Pare sumama ka naman at wag puro trabaho masama ang sobra pre! Ano ba ang motivation mo? Ikaw benny ano bang raket mo dyan? Baka pwede mo naman ako idamay? Yung iba so far ok naman kasi nakakausap ko si turko at bogart sa Friday or Saturday sessions e… Pati si joem at ponsky pati na din si pops.. Si soy nakipagtanan na ata dun sa bago nyang boypren na taga-cavite.. Grabe pinakita sakin picture talagang kinilabutan ako…Kissing scene pare! Yun lang naman mga pre.. sana pag check ko nito e balitaan nyo naman ako. Tang ina nyo ilibre nyo ako sa rasa ng beer at sambal! Ang yayaman nyo na!
Bogart, anu na namang kabalbalan 'tong nababasa ko tungkol sa Malate?! Tumahimik ka na at magpakasaya na lang. Tapos. May nalalaman ka pang "alamat" at "bluer than blue" eh, baka mamaya nakikinig ka na naman ng inaalikabok na version ng "Temple of the King" at "Annie Batungbakal."
Benny, kailan ka ba babalik? Tignan mo si Bogart, nag-iilusyon na naman. Kulang na lang, makipagtalik sa Malate. Senyales na yan na kailangan mo na talagang bumalik at magpakita sa amin kasi yun lang siguro ang mag-uudyok sakin para magpakawasak na naman.
As for the rest, pasensiya na at ngayon lang ulit ako nakapagpost dito. Malamang na-miss ko na naman inuman niyo nung Sabado, pero okay lang. May ibang araw pa naman eh. Babawi ako. Kung gusto niyo ng tamang explanation sa mga nirarant ni Bogart eh, panoorin niyo na lang 'to. Mas panalo pa...
Life Without Malate Is Bluer Than Blue. Mga Ginoo at Binibini. Heto ay isang panulat na hango sa tunay na pangyayari.
Mula ng mamulat ako sa buhay kung saan ang mga taong nakikita ko sa aking paligid ay masaya, nagpapanggap na masaya, nagpapakasaya, naghahanap ng saya, nagpapasaya, at nagpapasaya ng ibang tao na nakapaligid sa kanya. Kahit ako ay nasisiyahan din.
Maka ilang taon din hinde kami sumasablay at higit sa lahat makailang taon na narin naming ginagawa ito, At mababanggit ko ito ng nagmamalaki sa buong mundo "Kami ay isang nabubuhay na Alamat".
Hinde ko rin naman masasabi na palagi kaming buo pagnagpupunta kami ng MALATE. Meron kaming pansariling rason at ito ay aming sinusukat, kinukumpara, at tinitimbang. Alam namin na meron kaming uunahin. Sabihin na natin hanggat may pagkakataon, hinde namin ito pinapaligtas. "Sugod kung Sugod".
Matagal na kami sa ganitong uri ng pamumuhay. Minsan nakakaramdam kami ng pananawa. Parang ayaw na namin bumalik. "Ngunit makalipas ang ilang linggo (isa o dalawa, parang magkaylanman na ang tatlo) bumamabalik kami at nagbabadya para sa ibang nilalalang ng isang karansan na hinde nila makakalimutan".
Siguro masarap lang talagang magpakalango sa piling ng iyong mga kaisang-bituka. Siguro iba lang talaga ang pakiramdam na kasama mo ang mga tao na meron ng pinagsamahan. Pero bakit ganun pwede naman sa ibang lugar. Bakit palagi nalang sa MALATE? Hinde ko alam, basta iba talaga ang bumabalot na misteriyo sa lugar na iyan. Meron talagang kung anong pwersa na "Para bang isang malakas at malaking batongbakal na hinahatak kami papunta sa MALATE."
MALATE ung lugar na masasabi mo na kapag may gimik ang Una at huling plano. Lahat ng hinde MALATE ay pumapagitna. Ganito kapag sinabi mong gimik unang papasok sa utak mo MALATE. Kung meron kang ibang pupuntahan, Sige puntahan mo pero makakasiguro ako at itaga mo sa bato MALATE ang huling lugar kung saan ibubuhos mo lahat, ang buong pagkatao mo, ang inipon mong pera na nakatalaga sa para lang sa MALATE. Hinde Libis, Hinde Makati, Hinde The Fort.
Ang Pag MaMALATE ay nasa puso.
Sigurado hinde na mawawala sa sistema namin yan. Makukulong pero, magpapaalala na muli itong makakawala, magbabalik, sasabog, at muling maghahari.
Naisulat ko ito dahil sa isang dahilan. "NGAYON MASASAKSIHAN NINYO ANG MULING PASASANIB NG PINAKA MAKAPANGYARIHANG PUWERSA SA BUONG SANSINUKOB ANG PAGSASAMA NG MAALAMAT NA ISTATOWORKS"
well musta na kayo? sensya na kung di nako nakakapag post dito. medyo busy na kasi ako sa trabaho dahil naghahabol ako ng stats dahil sa mga absences ko nung nagkasakit ako. by the way, nag lipat na pala ako. di nako sa sta. mesa nakatira ngayon, sa guadalupe na. medyo malapit sa office na yung trabaho kaya kahit papano nakakawala na din ng stress. buti pa yung iba nagkikita pa,minsan promise sama ako pg off sked ko. di kasi talaga maiba yung off ko dahil sunday -monday parin sa states yung off ko. next week buti ako lumabas ng thursday night kasi nag file ako ng vl kaya lng may pasok pa ata kayo. bawi ako sa inyo guys. sige ingat kayo and good luck sa mga career niyo.
09223350988 i-save mo na yang number na yan at pag uwi mo itext mo ako agad! puta inuman na'to! mis na mis ka na namin! at wag ka mag alala kasi basta sa lakaran lagi mo ako maaasahan..isama mo na sila bogart, turko at joem na din. tapos si brian nagiging aktibo na din uli tyak pupunta lahat ng yun pag nalaman na pupunta ka! rasa o malate name it man! yung iba lang yung medyo naging busy na talaga ni hindi na nga nagpaparamdam e...pero nakita ko yung iba gaya ni aga at eala nung game 3 sa araneta. tinamaan ng bagyo pinas pare alam mo naman siguro yung? puta 4 days na nga walang kuryente samin kasi dami daw nasira...kaya heto buti pwede naman mag internet dito sa opis... nga pala... champion ang san beda red lions pare. ended 28 years of kabobohan at 82nd season by 1 f*cking point against pcu..... siya yan lang muna at limitado ang oras ko dito..... basta mga kapatid pag may pagkakataon e gawan nyo naman ng oras yung pagpopost dito.
dude malapit na din akong umuwi...naka sched na flight ko sa oct.31.. pano ba yan kita-kits tayo mga dude!ang tanung may madadatnan pa ba ako? mukhang busing busy lahat eh..
Pasensiya na Kokoy kung hindi na ako nakakaupdate dito sa journal natin. Sa totoo lang, bugbog na ang katawan ko sa kakatrabaho kaya pagdating ko sa bahay, tulog na agad ako. Wala nang sabi-sabi pa.
In any case, ok naman sa trabaho. The usual shit pa rin except tumaas na angsahod ko from P12,000 + commission to P18,500 + commission. Dumami din ang chicks kaya gumanda rin ang perks. Dumami din ang mga kupal na chicks kaya dumami din ang sakit ng ulo. Mahirap lang talaga ang trabaho. Walang katapusang kayod.
By the way, wala na rin akong masyadong balita sa iba. Si Turko, alam ko nagout-of-town. Hindi ko lang sure kung bumalik na. Mukhang okay naman siya eh. As for the rest.....zero news.
I hope isa sa inyo dito ang nakakita na kay Batista last Saturday...Kasi hindi ko siya nakita. Pumunta akong Subic that time. Kung may plano kayong bumili ng ticket eh, sabihan niyo na lang ako para same seats sa event. Sana meron pang upper boxes.
Also, meron na ring Season 2 ng Justice League. Putanaydana! Panalo talaga. Pero mukhang hindi na si Martian Manhunter ang nagmomonitor sa Watchtower this time around. Egoy na superhero na ang naghahandle. Hindi ko pa masyadong kilala mga baguhan. Ang alam ko lang eh si Stargirl and Speedy (former Teen Titan).
Hi mga tsong!!! As of this moment eh andito ako sa Bataan doing my work. Nag-oocular ako dito for one of our project with a telecommunications company. After ko dito eh pupunta ako sa Angeles then San Fernando Pampanga then last stop sa Malolos Bulacan. Ang saya ng trabaho ko noh patravel travel lang hehehe.. Two weeks ago asa Lucena and Batangas ako hehe.. Oh nagpost nako dito ha..
Oi! Nabalitaan ko lang sa kakilala kong nagbabasa ng Inquirer. Batista will be headlining the Smackdown Survivor Series Tour here soon. May motorcade siya sa Araneta Cubao. Figured I should tell you this in case we're not going to watch the whole shit.
By the way, pwede na palang maglagay ng video dito. Kung may makuha kayong kahit ano sa youtube, lagay niyo na lang dito. Ewan ko lang kung papano. Basahin niyo na lang siguro sa FAQ section ng livejournal. Kayo na bahala.
Hoy mga kupal asan na kayo? hindi na kayo nagsusulat dito ah! Tang ina mga pre nagkasakit ako 1 week ako di nakapasok sa opis pero heto at nakapasok na din ako sa wakas! trangkaso pare... sucks. pero ang sarap din ng nakatambay lang sa bahay. maya2 lang balik sa boring na buhay na'ko.. balitaan nyo na lang ako mga dude!